Dati pa pala

Naaalala ko pa dati,
classmate,batchmate yan pa lang ang turingan.
Hanggang sa nagsimulang itinukso sa isa't isa.
Naging textmate at nahulog na.
MU na nga daw tayo nun eh.
Hindi man maamin ang katotohanan
pero inlove na ko nun.
Pag may mga panahong itinutukso ka sa iba...may gusto kang iba,
huli ko na mapuna,
nasasaktan na pala ako.
Nagseselos.
Inlove na nga pala ako nun sayo.
Ngayon ko lang naisip.
Ngayon ko lang napagtanto.
Di ko man naamin nun
at hanggang lokohan pa lang tayo,
ngayon alam ko na...
dati pa lang pala ay minahal na kita.

Comments

Popular posts from this blog

Get Rewarded for Playing Games You Love with Mistplay! (Honest Review)

regrets & realizations