I'm back with a story to tell

eeeYaaaHHH!!!!Five months na kami ni Domz. And almost a year na siguro akong hindi nakakapagpost dito, almost pictures of us na lang. Eh kasi. . . wala akong ganang magkwento if I'm always in love. Masaya ako palagi most especially after nung naging kami. Mas nakakagana kasing magsulat if broken hearted ka or depressed di ba? haha! So ganito na lang, to make you updated of the "story of my love" ...kwentuhan na lang tayo. Let's go back 1 year ago... after all those churvaness happenings sa amin dun na talaga kami naging focus sa isa't isa. Dun ko na mas na feel yung feelings niya talaga para sakin. it's like that kami na kaso di pa "official"? kasi sa akin naman yung problem eh. Takot akong mapagalitan pero ready na talaga akong magmahal. Sabi ko nga before na lahat ibibigay ko na kung sino man ang pipiliin at iibigin ko. it's like that given na sa lahat na kami dapat palagi yung magkasama. KAMI at kaming dalawa. Every night kahit na buong araw kaming magkasama ay magdamag parin kaming nagtitext. Sa ngayon nga ay nasisiyahan akong basahin ulit yung mga messages niya sakin dati...yung sa mga panahon na nakakapag "I love you" na siya sakin na tama yung spelling. haha! Dati kasi eh "i lab u" "yab u"...mga ganun. So kung feeling mo parang di niya pa kayang ibigkas o maitext lang man yung exact spelling of the word kasi feeling mo mukhang di pa siya sigurado. haha! Kaya nung after niya mabitawang "I love you nay!" Nakz! abot langit ang ngiti ko...naku mahal na nga niya talaga ako. Kaya after nun mas nadagdagan yung kilig ko everyday. :) eto na! yun na yun oh! One day nasabi ko sa kanya, "tay lam mo nagseselos ako sa mga friends ko, kasi two na years na sila more than one year na sila ng mga jowa nila...pero kasalanan ko naman eh.hehe!" Sabi naman niya okay lang daw kahit wala kaming ganyan kasi alam naman namin na mahal at mahal namin yung isa't isa. di naman daw yun importante eh....:)December nun nung may ipinadala si Domz sakin sa bahay. Buksan ko lang daw sa December 25. Ewan ko bakit sa christmas day talaga. Syempre maiisip at maiisip mo lang ay christmas gift ito. December 25, 2011 [11:00am] Yun nga binuksan ko ng patago itong gift niya sa bahay. Naku ano toh? New diary for me?haha!!!ang kapal ha...akala ko ganun pero nung binuksan ko na, shet!napaiyak na ko sa ikatlong pahina pa lang...diary nga at may laman na.di ka makakapaniwalang isang lalaki ang gagawa nito. napaiyak ako kasi kinikwento niya dun kung panu kami nagsimula...waaaAAhh!!!!grabe naman yung na feel ko lalong lalo na sa last page ng nasulatan niya kasi may nakalagay "will you be my girlfriend?"...sheeeeetttt!!!!oo!oo!oo! kung magkasama lang kami nun naisigaw ko nang OO'ng sagot ko. sabi dun if yes daw buksan ko yung letter at the back..shit!kung makagimik tong si Domz oh makaputol hininga:D syempre binuksan ko kaagad yun at binasa. may kasama pa palang ring,,,,ow may gash!!!ikaw na!swerte ko naman...kahit di man naging kami sa personal naku sure ako na walang pang katulad to,,,kung paanu naging "KAMI"!!!hahahah!!!anong ligaya ko naman..at agad ko siyang tinawagan nun... so that's it!kami na nga at sana hanggang sa habang buhay na to....

Comments

Popular posts from this blog

Get Rewarded for Playing Games You Love with Mistplay! (Honest Review)

regrets & realizations