ka chakahan na nman

Nung una kang makita hindi kita kaagad napuna hindi ka naman kasi kagwapuhan. Hambog pa nga kasi ang dating mo. Pero yun ang tadhana, pinagsama tayo. Mula noon parati na tayong magkasama, nag-uusap, nagkukwentuhan, nagtutuksuhan at marami na. Nung una ay barkada pa lang ang tingin ko sayo, friend kung baga. Ewan ko ngayon kung bakit ako’y nagkakaganito. Nagbago bigla ang lahat. Ako’y napaisip kung panu at hindi ko na alam ang gagawin ko. Dahan-dahang nag-iba ang pagtingin ko sayo. Napansin ko nalang na nahuhulog na ang aking puso. I admit that I’m in love with you. Sa tuwing maririnig ang boses mo at sa tuwing ika’y nakikita ako ay napapangiti. Gusto ko na atang ika’y nariyan parati sa king tabi.
Ang masakit lang dun ay iba, iba ang babaeng gusto mong makasama. Sabi ko sana ako, sana ako na lang yung babaeng pinapangarap mo. Bakit nga ba ganito ako katanga sa kanya? Araw-araw ay nahuhulog parin ang loob ko. Minsan kasi ay pinaparamdam niya rin sa akin. Ang mga galaw niya na parang siyang naiilang sakin. Lord sana lang, sana kung totoo man tong aking nararamdaman. Na siya ay may rong HD sa akin. Sana nga lang.

Comments

Popular posts from this blog

Get Rewarded for Playing Games You Love with Mistplay! (Honest Review)

regrets & realizations