JuanHand App - Honest Review (Madali makapagloan pero anlaki ng interest?)

 Nalulula ka rin ba sa mga ads nila na nagsisipag litawan sa kung saan-saan? Sa FacebookYoutube, online games at kung saan-saan pa. Grabe ang ads nila kaya kung saktong walang-wala ka na at naghahanap ng mahihiraman, maiisipan mo talagang e-download ang app na to - Juan Hand.

Kagaya ko na merong dues at kelangan bayaran pero wala pang sweldo o nahihiyang manghiram sa iba, tinry kong e-download ang app. Pero habang nag sa-sign up ako dun ko nalaman ang systema nila. 

So at first maglalagay ka ng personal infos mo (name, address, birth date, contact number, email, source of income, etc.). Need mo ring mag upload ng valid ID at selfie. Need mo ring e verify ang application mo. So eto na nga - BEWARE dahil nakuha na nila personal infos mo. May access na sila sa mobile number at email mo. 

The next step ay yung loan amount na nga, since first time, they will only allow around 2,000+ loanable amount. At eto na nga...shocking yung tubo at due date ng loan. Check out my video for the sample computation. Shocking talaga!



In 2 weeks meron silang patong na 30%. As in?!!! Sa 2,300 pesos na loan mo ay 690.00 na ang tubo at need bayaran in 2 weeks. Kaya na shock talaga. Compute agad ang lola.

It's so impractical ano to share your personal info with that very small amount tapos sobrang laki ng tubo. Kaya I declined and didn't availed the loan. CANCELLED!

“People who count their chickens before they are hatched act very wisely because chickens run about so absurdly that it's impossible to count them accurately.”
― Oscar Wilde

*Disclaimer: This is just my personal opinion. It is still up to the readers if they will download and avail the loan offered by this app.

#Juanhand #Juanhandapp #honestreview


Comments

Popular posts from this blog

regrets & realizations

yfym's poem