its not yet the end...

hindi pa nga natatapos yung storya ng pag-ibig ko. Ano nga ba talaga? Ayaw ba nilang maging maligaya ako?kailan pa kaya ako makakakita ng lalaking patay na patay sakin?

hindi ko na alam. Ang rami nang nangyari sakin. Pagkatapos ng pag-aakalang okay na pala ang lahat, gayung hindi pa pala.Nagdesisyon akong siya ang piliin kasi akala ko mas madali, okay ang lahat at magiging masaya ako. Ganun pala, may problema parin. Akala ko masaya na kaming dalawa. Parang... in love ka araw-araw. Yun bang hindi makumpleto ang araw mo kapag hindi kayo nagkikita. Yung bang parang kinukuryente ka pag andyan siya. Yung bang kapag wala siya ang parang gusto mo siyang makita at kapag andyan na siya ay na tatameme ka na man. In love.
Akala ko magiging masaya na kami. Feb. 14, Valentines day...di ao nag expect na makakarecieve ng kahit ano man mula sa kanya kasi alam ko na mang wala siyang pera. Meron akong binigay sa kanya na couple chain at letter. di ko naman hinangad na bigyan niya ng meaning yun. Kinagabihan ay niyaya niya kong mamasyal. Upang mag-usap.Doon pinag-usapan namin lahat. Lahat ng tungkol sa bespren niya. Lahat ng hinanakit niya. Kasi everytime na magkasama kami ay nagagalit ito. nagseselos. Ewan ko kung bakit. hindi ko inexpect yung mga inamin niya sakin tungkol sa bespren niya. Nainis ako...kung bakit kahit na ginaganyan na pala siya ay kinukonsenti niya pa rin ito. Nag sorry siya kasi mali daw yung ginawa niyang pag-iwan sakin sa ere dahil sa nagseselos nitong kaibigan.

Nung gabing yun ay tinanong niya ko kung ano daw ibig sabihin nung letter. Ibig sabihin daw ba nun ay kami na? sabi ko, hindi ko pa gusto. hindi pa ko handa. hindi ko pa na set yung mind ko sa ganyang sitwasyon. pero binigyan ko siya ng assurance. at ganun din siya. sus!kayang-kaya daw niyang maghintay kahit 10 years pa yan.

Kinabukasan parang umiba ang ihip ng hangin. Parang walang nangyaring pag-uusap, pag-aaminan at pag-iibigan. Di ko alam kung may nagawa ba ako at bakit siya nagkaganun. Sa mga sumunod na araw, di niya ko pinansin. Nasaktan ako. Bakit? Bakit siya ganyan? Nainis ako ng husto kaya pinilit ko ring hindi muna mamansin kahit na mahirap. Kinakausap niya ko pero hindi ko kayang umarte na parang okay lang yung lahat? Masakit. Ang sakit. Ano ba? Dapat may sapat siyang rason kung bakit niya ko ginaganito. Tanga ako kung niloloko niya lang pala ako, kasi sa uulitin ay nadala na nman ako. Lang hiya!

Hanggang ngayon ay di pa ako sigurado sa totoong rason kung bakit biglang nagbago. ano nga ba? takot ako na baka mawala. mawala yung nararamdaming "yun bang parang..."

Comments

Popular posts from this blog

regrets & realizations

yfym's poem