and this is all it's gonna be...

and after all, magkakaroon na nga ba ng ending ang storyang toh? Matatamad na ba akong magsulat pa dito kasi wala na masyadong kinaaabangan ang daloy ng buhay ko? Expected na ba ang mangyayari?
Ganito na nga talaga ito. Pagkatapos ng lahat-lahat. Lahat ng pagka confuse, in love messages, forbidden love situation, collection of love poems, pagsusulat sa blog, pag-aaminan, pagkakailangan, pagkalito, iyakan, tampuhan, awayan, disgrasya, pagkakamabutihan, pag-aaminan ulit at pag-iibigan. Nangyari nga ang inaasahan niyang mangyari. Ako kasi yung nasa mahirap na kalagayan. Ako kasi yung babaeng ayaw makasakit ng damdamin ng isang lalaki. Ayaw kong makakita ng lalaking umiiyak. Ayaw ko yung sila ang inaapi ng mga babae. Nasasaktan ako. E yung nangyari, ako ang nakasakit. Hindi ko ito inaasahan. May nasaktan pala ako. Hindi ko intensyong gawin yun. Ang sa akin lang ay kailangan ko nang pumili. Kailangan nang may magsakripisyo, may masaktan at mag move on. Masama rin kasi yung pinapaasa mo pa ang isang tao.
Ikaw kaya, pag nasa sitwasyong ito, ano ang gagawin mo? Dalawa sa mga malalapit mong kaibigan ay nagkagusto sayo. Dalawa rin sila yung gusto mo. Nagkaroon ng kunting hidwaan sa pagitan nila, pero naging ok na. Pareho mung gusto ang dalawang taong yun. so ano?
Actually, I have already decided. And i already did it. I let go one of them and chose the one whose gonna make me happy.
At dahil dun, nasaktan ko yung isa ng di inaasahan. Mahal nga niya pala ako talaga. Di ko kasi inaasahan yun. Kasi bakit ngayon lang niya sinabi. Di naman niya pinaparamdam. Matapos kung gawin sa kanya yun, tsaka niya ko pinapakonsensya. Pero hindi, tapos na yung desisyon ko. Pinili ko siya, "Dominique Ponsaran Mediodia".
Anong swerte nga naman niya. Pinili ko siya kasi alam kong magiging masaya ako sa kanya. Hindi lang dahil sa dahilang yan, syempre dahil...napamahal na rin ata siya sakin. Sabi nila, pinagtatakpan ko lang daw yung sarili ko. Kasi ang totoo daw ay yung isa yung tunay na mahal ko. Tama nga sila. Mahal ko nga yung isa. Noon. Pero nalipat na. Hindi nga man yun mawawala kasi iba siya, iba si tatay. Iba ang pagmamahal ko sa pagitan nilang dalawa. Mahal ko kuya, na in love nga ako sa kanya pero Masaya ako kung kaibigan ko lamang siya. Kay tatay naman, kung ikukumpara kay kuya iba ang pagtingin ko sa kanya. Feel ko kasi magiging masaya ako pag siya ang makakatuluyan ko.
Eh panu kung di mangyari yan? Hindi.Hindi. Dapat totohanin na toh.Oo,magseseryoso na ko dito. I'll give everything na. Kung ano man ang ninanais ng puso ko at kung saan ang ikaliligaya nito.

Comments

Popular posts from this blog

Get Rewarded for Playing Games You Love with Mistplay! (Honest Review)

regrets & realizations