Posts

Showing posts from November, 2013

#momentsiremembered

Tsinelas College. Every afternoon, before siya umuwi, kung may pera man o wala ay naglalakad kami papuntang bayan. Kakain, tatambay at pasasakayin ko siya sa jeep pauwi sa kanila. Isang araw galing school, naglakad nga lang kami kasi para mas mahaba ang time ng kami'y magkasama at mas maraming mapag uusapan. At habang naglalakad, sa kalagitnaan ng kwentuhan, tawanan at daan ay nasira ang tsinelas ko, Havaianas. Branded pa naman pero nasira. Nasira din tuloy kwentuhan naming dalawa. Sa halip na magkwentuhan, habang naglalakad, kami ay nakayuko na lang. Nakayuko dahil naghahanap ng kung anong pwedeng magamit maiayos lng ang tsinelas ko. Yun! Buti na lang swerte ako at nakakita ng hook. Ayos! Ayos na ang tsinelas ko. Mabuti na lang ganun kami ka resourceful ng boyfriend ko. Walang iwanan... sa hirap o ginhawa... may tsinelas man o wala. Mahal namin ang isa't isa.